P72-M buwis, nawawala sa Quezon

LUCENA CITY – Umaabot sa P72 milyon ang nawawala sa lokal na pamahalaan sa loob ng isang taon dahil sa exemption ng dalawang coal fire power plant sa dalawang bayan dito sa lalawigan ng Quezon.

Sinabi ni Revenue District Officer Guillermo Guce ng RDO No. 60 na ang Mirant Power Plant sa Pagbilao at Quezon Power Plant sa Mauban ay hindi nagbabayad ng kanilang value added tax (VAT) na umaabot sa P30 milyon bawat buwan ng iutos ng BIR central office ang Tax Exemption Order.

Ayon kay Guce ang lokal na pamahalaan ng Quezon ay may 20 porsiyentong share units sa nakukulektang buwis sa mga nasabing planta ng kuryente, subalit ikinatwiran ng mga ito na ibabawas na lang ang 30 milyon sa energy consumption na ipatutupad ng National Power Corporation. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments