Iniutos pa ni Antipolo City RTC Executive Judge Mauricio Rivera, ng Branch 73, sa akusadong si Alejandro Rellota, ng Brgy. Inarawan, Antipolo, na bayaran nito ang biktimang si Aileen (hindi tunay na pangalan) ng halagang P150,000 bilang danyos.
Base sa record ng korte, si Rellota, na kalive-in ng ina ni Aileen at sinimulang abusuhin ito noong Setyembre, 1993, sa tuwing maiiwan siyang nag-iisa sa bahay ngunit puro halik lang at himas sa ari ang ginagawa ng akusado sa stepdaughter.
Noong Disyembre 20, 1994, ang akusado ay muli na namang nagtangka sa bikti-ma ngunit nakatakbo ito at agad na nagtungo sa kan- yang kapatid na si Lourdes at kapitbahay na si Magda at sinamahan ito sa mga awtoridad.
Hindi tinanggap ng korte ang alibi ng suspek na may tampo lamang sa kanya ang biktima kaya pinararatangan siya ng panghahalay nito. (Ulat ni Joy Cantos)