Trader dedo sa ambus ng NPA
August 23, 2002 | 12:00am
MILAGROS, Masbate Dahil sa pagtangging magbigay ng buwis sa kilusang makakaliwa ay nagpasyang patahimikin na lamang ang isang negosyante ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima sa Sitio Tubod, Barangay Jamorawon sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na tinamaan sa ulo at ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Roger Balajos, 53, may asawa at residente ng Brgy. Marcella Uson, Masbate.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo bandang alas-6:30 ng gabi nang tambangan ng mga rebelde. Tinangay ng mga nagsitakas na rebelde ang motorsiklo, hindi nabatid na halaga at mga suot nitong alahas. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest