Nakasaad sa isang resolusyon na inihain sa Kongreso na dapat magdaos ng special election na 3rd district ng Cavite upang magkaroon ng kinatawan ang nasabing distrito sa Kongreso matapos pumanaw kamakailan si Cavite Rep. Napoleon Beratio.
Nakasaad din sa Republic Act 7166 o An Act Providing for Synchronized National and Local Elections and for Electoral Reforms na kapag nagkaroon ng bakante sa posisyon, isang taon bago ang susunod na eleksiyon ay maaaring magtakda ang Commission on Elections ng special election.
Ang special election ay ipapatawag ng COMELEC sa loob ng 60 araw subalit hindi dapat lumampas sa 90 araw pagkatapos mabakante ang posisyon.
Ipapadala sa COMELEC ang nasabing resolusyon na humihiling sa special election sa sandaling aprubahan na ito ng Kongreso. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)