^

Probinsiya

BIR examiner dedo sa ambus

-
SAN PABLO CITY, Laguna – Tinambangan at napatay ang isang examiner ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sakay ng motorsiklo may ilang metro pa lamang nakalalayo sa kanyang bahay ang biktima na nagmamaneho ng kotse sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay San Francisco, Calihan sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Tatlong tama ng kalibre 45 baril ang tumapos sa buhay ni Graciano Balubal, 42, nakatalaga sa Regional District Office 54 sa Trece Martirez, Cavite at residente ng Farconville Subdivision sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Jimmy Bondad, patungo sa pinapasukang opisina ang biktima at minamaneho ang kanyang kotseng Toyota Corolla Altis (XCS-727) nang dikitan ng mga dalawang nakamotorsiklo dakong alas-7:30 ng umaga.

Kaagad na pinaputukan ang biktima hanggang sa tamaan sa leeg, mukha at dibdib kaya idineklarang patay sa San Pablo Provincial Hospital.

Inaalam naman ng mga imbestigador kung may kinalaman ang nakuhang sulat sa loob ng kotse ng biktima na naka-address sa isang kompanya na matatagpuan sa Bangkal, Carmona, Cavite na may temang babala na magbayad kaagad ng kaukulang buwis. (Ulat nina Arnell Ozaeta, Ed Amoroso at Rene Alviar)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY SAN FRANCISCO

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CAVITE

ED AMOROSO

FARCONVILLE SUBDIVISION

GRACIANO BALUBAL

JIMMY BONDAD

MAHARLIKA HIGHWAY

REGIONAL DISTRICT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with