^

Probinsiya

Bodega ng mga 'nakaw' na kotse ni-raid

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Sinalakay kamakalawa ng hapon ng pinagsanib na puwersa ng pulis-Bulacan at Traffic Management Group (TMG) ang pinaniniwalaang bodega ng mga nakaw na sasakyan sa liblib na lugar na sakop ng Brgy. Camachilihan, Purok Uno, Bustos, Bulacan.

Sa naging pahayag ni P/Supt. Romeo Ver, hepe ng Bulacan PNP Traffic Management Group (TMG), naisagawa ang pagsalakay dakong alas-4 ng hapon sa tulong na rin ng mga barangay opisyal.

Nasamsam sa lihim na bodega na pag-aari ni Miguel Alvaro, alyas Mike ang siyam na kinatay na kotse, makina ng mga sasakyan, motorsiklo, 2 tangke ng acetylene, 2 compressor at mga pinagputul-putol na chassis na pinalalagay na ipagbibili sa mga surplus dealer sa Metro Manila.

Isinailalim naman sa masusing imbestigasyon ng mga tauhan ni P/ Sr. Supt. Edgar Acuña, Bulacan PNP provincial director ang mag-asawang Miguel at Ester Alvaro na nagsabing legal ang kanilang negosyong pinutol-putol na bahagi ng mga sasakyan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BULACAN

EDGAR ACU

EFREN ALCANTARA

ESTER ALVARO

METRO MANILA

MIGUEL ALVARO

PUROK UNO

ROMEO VER

SR. SUPT

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with