Estudyante tinodas ng senglot
August 7, 2002 | 12:00am
SAN MIGUEL, Catanduanes Isang estudyante ang kumpirmadong nasawi makaraang pagtripang saksakin ng senglot na lalaki habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Brgy. Mabato sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa Catanduanes Provincial Hospital ang biktimang si Archie Olapani, 21, binata, 4th year high school at residente ng Brgy. Pagsangahan, samantala, ang suspek na tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Michael Echague, 23, binata ng Brgy. Siay ng bayang ito.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nagmula ang biktima sa bahay ng nililigawang dalaga at papauwi na nang harangin ng suspek dakong ala-una ng madaling-araw saka isinagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended