^

Probinsiya

Opposition governors binibingwit ni GMA

-
CALAMBA CITY – Dalawang opposition governors sa Southern Tagalog ang napabalitang binibingwit ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang sumapi sa administration party Lakas-NUCD-Kampi upang paghandaan ang presidential at local elections sa 2004.

Ito ang naging pahayag ng national chairperson ng Lakas-NUCD-Kampi na pinupuntirya ng administrasyon ni Pangulong Arroyo sina Laguna Governor Teresita "Ningning" Lazaro at Cavite Governor Erineo "Ayong" Maliksi.

Ang dalawang nabanggit na lalawigan ay may kabuuang tatlong milyong rehistradong botante at sinuportahan ang kandidatura ng dalawang gobernador laban sa administration party noong nakalipas na presidential at local elections.

Kinumpirma naman ng dalawang gobernador ang napaulat na binibingwit sila ni Pangulong Arroyo na sumapi sa Lakas-NUCD party ngunit masyado pang maaga upang magdesisyon.

Magugunitang lumamang ng 150,000 boto si Laguna Governor Lazaro, standard bearer ng Partido ng Masang Pilipino ni dating pangulong Joseph Estrada laban kay Bert Lina, standard bearer naman ng Lakas-NUCD.

Gayundin si Cavite Governor Ayong Maliksi, standard bearer ng Partido Magdalo na lumamang ng 150,000 boto laban kay Ramon "Bong" Revilla, Jr. noong presidential and local elections.

Upang mapadali ang panghihikayat sa dalawang nabanggit na gobernador ay nangako naman si Pangulong Arroyo na susuportahan niya ang mga major infrastructure projects na isinasagawa sa Laguna at Cavite, ayon sa mga beteranong analyst. (Ulat ni Rene Alviar)

BERT LINA

CAVITE GOVERNOR AYONG MALIKSI

CAVITE GOVERNOR ERINEO

JOSEPH ESTRADA

KAMPI

LAGUNA GOVERNOR LAZARO

LAGUNA GOVERNOR TERESITA

LAKAS

MASANG PILIPINO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with