Di ko pinasisibak si Sec. Lina! - PRO-4 chief
July 22, 2002 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Pinabulaanan ni Police Regional Office (PRO) 4 Chief Director Domingo Reyes ang lumabas sa mga pahayagan na kanyang pinasisibak si Interior and Local Government Secretary Joey Lina dahilan sa command responsibility kaugnay ng kabiguan nitong matunugan ang operasyon ng isang malaking sindikato ng droga malapit sa kanyang tahanan sa Quezon City.
"Wala akong sinasabing ganyan at walang reporter o radio station ang nag-interview sa akin," ito ang naging pahayag ni Reyes sa isang pulong balitaan kahapon ng umaga dito.
Binanggit pa ni Reyes na pinag-aaralan ng kanyang mga abogado na magsampa ng kaukulang kaso laban sa pahayagan at reporter na nagdawit sa kanyang pangalan ukol sa nasabing isyu.
"Hindi ko nga alam kung saan nakatira si Sec. Lina at paano ko maituturo kung gaano kalayo ang pinaghulihan ng shabu at di ko nga alam kung pinag-aaway lang kami ng kung sinu-sino diyan," dagdag ni Reyes.
Magugunita na isa si Reyes sa 7 PNP officials na sinibak ni Lina kamakailan dahil umano sa kabiguan sa illegal na operasyon ng jueteng sa kanilang lugar na nasasakupan. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended