^

Probinsiya

Dalaga nirape-slay ng adik

-
AROROY, Masbate – Hinalay saka pinatay ang isang 22-anyos na dalaga ng hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang lango sa droga makaraang harangin ang biktima habang naglalakad papauwi sa Brgy. Capsag sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Basag ang bungo at walang saplot sa katawan ang biktimang si Ana Maurio, samantala, ang suspek na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ay tinutugis ng pulisya sa hindi binanggit na lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na nagpaalam sa kanyang lola bandang alas-5:30 ng hapon upang bisitahin ang kanyang kuya sa kalapit na barangay ngunit hindi na nakabalik ng buhay.

May teorya ang pulisya na nanlaban at nakilala ng biktima ang rapist kaya tinuluyan siyang pinatay bago natagpuan ang bangkay dakong alas-7 ng umaga, kahapon sa niyugan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ANA MAURIO

AYON

BASAG

BRGY

CAPSAG

ED CASULLA

HINALAY

MASBATE

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with