^

Probinsiya

2 nagpatayan dahil sa eleksyon

-
LINGAYEN, Pangasinan – Dalawa katao kabilang na ang isang municipal councilor ang kumpirmadong nasawi matapos na magpatayan ang dalawa dahil sa pagtatalo sa kandidatura ng isang Sangguniang Kabataan chairman, may ilang oras bago idaos ang eleksyon sa bayan ng Umingan kahapon.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Rodolfo Mendoza, Pangasinan PNP provincial director, ang mga nasawi na sina Municipal Councilor Bayani Tenorio Aguilar, 32 at Magno Pascual, 52, isang empleyado ng lokal na pamahalaan.

Napag-alaman kay Mendoza na binaril ni Aguilar si Pascual kaya kahit may tama ng bala ng kalibre 45 baril ay nakuha pa nitong tagain ng jungle bolo ang una hanggang sa kapwa duguang bumulagta ang dalawa.

Kasunod nito, niratrat naman ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga tauhan ng mayor, ang bahay ni Dr. May Paa Agpoon, 38, may asawa sa Carriedo St. sa bayang ito dahil sa alitan sa kandidatura ng kanilang anak sa pagka-brgy. chairman.

Sa mga ulat na natanggap ni Mendoza na may nagaganap na malawakang vote-buying sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan.

Base sa ulat ng provincial Comelec, 49 barangays mula sa 153, ang sinuspinde ang eleksyon dahil sa baha. (Ulat ni Eva de Leon)

AGUILAR

CARRIEDO ST.

DR. MAY PAA AGPOON

MAGNO PASCUAL

MENDOZA

MUNICIPAL COUNCILOR BAYANI TENORIO AGUILAR

PANGASINAN

RODOLFO MENDOZA

SANGGUNIANG KABATAAN

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with