^

Probinsiya

2 kandidato sa pagka-barangay chairman itinumba

-
CAMP DANGWA, LA TRINIDAD, Benguet – Hindi na masisilayan ng dalawang kandidato sa pagka-brgy. chairman ang magiging resulta ng barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayon, dahil kapwa sila pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga bayarang mamatay-tao habang nangangampanya sa magkahiwalay na barangay sa Davao at Kalinga kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Calixto Libnao, kandidato sa pagka-brgy. chairman sa Brgy. Pinukpok, Kalinga at Jose Te, Jr., 43, kandidato rin sa Brgy. Astorga, Sta. Cruz, Davao del Sur.

Samantala, inoobserbahan ngayon sa Davao City Hospital sina Felix Mellisa, 45 ng Brgy. New Malitbog, Panabo City, Davao del Norte at ang kasamang si Norma Ramos na malubhang nasugatan dahil sa mga tama ng bala ng baril.

Sa ulat na natanggap ni P/Chief Supt. George Aliño, regional director ng PRO-Cordillera, si Libnao ay naglalakad papauwi galing sa rally kasama ang asawang si Sylvia at ibang kandidato mula sa bahay ni Rajie Salocon, kandidato naman bilang SK chairman nang tambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan dakong alas-12 ng gabi.

Bukod dito, napag-alaman naman sa ulat na nakarating mula sa Camp Crame, si Te ay pinagbabaril din hanggang sa mapatay ng apat na hindi kilalang armadong kalalakihan habang nangangampanya sa Danton Cmpd., Brgy. Astorga dakong ala-1 ng hapon.

Si Mellisa naman ay namimigay ng leaflets sa mga residente sa Purok 3, Brgy. New Malitbog nang lapitan ng dalawang lalaki sakay ng motorsiklo at nagkunwaring makikipagkamay bago isagawa ang pamamaril na ikinasugat naman nito ng malubha. (Ulat nina Danilo Garcia/Artemio Dumlao)

ARTEMIO DUMLAO

ASTORGA

BRGY

CALIXTO LIBNAO

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

DANTON CMPD

DAVAO

DAVAO CITY HOSPITAL

NEW MALITBOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with