^

Probinsiya

Ex-cop pinatay dahil sa onsehan sa droga

-
May posibilidad na onsehan sa droga ang motibo sa pamamaslang sa isang retiradong pulis ng apat na kasapi ng 4th Regional Narcotics Office na nakabase sa Camp Vicente Lim na naganap sa Antipolo City kamakailan.

Ito ang pahayag ng isang imbestigador na tumangging magpabanggit na pangalan base sa patuloy na imbestigasyon sa kaso matapos na hindi na magpakita ang mga Narcom agents na sina SPO1 Edmundo Bruno, PO3 Sherwin Sumile, PO1 Jesse Silva at PO1 Enrique Cadungog, na dapat ay nag-report sa Antipolo PNP matapos ang insidente.

Nabatid na dakong alas-7:45 noong Martes ng gabi habang naglalakad umano ang biktimang si Ret. SPO1 Felix Medina Jr., 46, ng Sitio Patnubay, Brgy. San Luis, sa kahabaan ng Marcos Highway, Sitio Pandayan, Brgy. Inarawan, nang bigla na lamang ratratin ng apat na pulis.

Ang biktima, na dating kasapi ng 225th Rizal Police Mobile Group ay idineklarang patay ni Dr. Zenaida Quiambao sa Antipolo Hospital.

Matapos maisugod ang biktima sa pagamutan ay saka nagtungo ang mga pulis sa bahay ng biktima at agad na naghalughog gamit ang isa umanong search warrant ngunit wala namang nakita kahit anong illegal.

Napag-alaman na planado ang nangyaring krimen dahil sa nakipag-coordinate pa umano ang mga suspek sa Antipolo PNP dakong alas-12 ng tanghali.

May teorya ang pulisya na posibleng may ipinatago ang mga suspek sa biktima o kaya ay may ipinabenta at hindi nakapag-remit kaya itinumba.

Kasong murder ang inihahanda ngayon ng Antipolo City PNP laban sa apat na pulis at hinihintay na lamang magbigay ng pormal na reklamo ang mga kaanak ng biktima.

Sa ulat naman ng mga tauhan ni P/Supt. Rolando Abutay, hepe ng 4th Regional Narcotics Office, si Medina ang nakipagbarilan matapos maaktuhang nagbebenta ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer dakong 5:45 ng hapon. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Amoroso)

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO HOSPITAL

BRGY

CAMP VICENTE LIM

DR. ZENAIDA QUIAMBAO

ED AMOROSO

EDMUNDO BRUNO

ENRIQUE CADUNGOG

FELIX MEDINA JR.

REGIONAL NARCOTICS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with