Mag-asawang kandidato sa pagka-kagawad, itinumba
July 11, 2002 | 12:00am
MAITUM, Sarangani Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-asawang kandidato sa pagka-brgy. kagawad ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang lost command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang ang mga biktima ay nangangampanya sa Brgy. Tuanadatu sa bayang ito kamakalawa ng umaga.
Nagtamo ng maraming tama ng bala mula sa malalakas na kalibre ng baril ang mga biktimang sina Elias Abod, brgy. treasurer sa Tuanadatu at asawa nitong si Josephine.
Samantala, nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang ikalawang asawa ni Abod na si Dolores na kasamang nangangampanya.
Nagsitakas naman ang mga armadong kalalakihan patungo sa Brgy. Ned, Lake Sebu, South Cotabato na kilalang teritoryo ng mga rebeldeng MILF.
Sa naantalang ulat ng pulisya, kasalukuyang naglalakad ang mga biktima bandang alas-5:30 ng umaga nang harangin ng mga rebelde sa pamumuno ni Kumander Tawantawan saka isinagawa ang pananambang.
May palagay ang pulisya na may kaugnayan sa politika ang naganap na krimen dahil sa nalalapit na barangay eleksyon sa darating na Lunes, Hulyo 15, 2002.(Ulat ni Boyet Jubelag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest