Ex-militar nang-hostage ng 2 katao
July 4, 2002 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Isang umanoy dating kasapi ng militar ang nang-hostage ng dalawa katao matapos na iwan ng kanyang asawa sa isa na namang insidente ng hostage drama sa Antipolo City kahapon ng hapon.
Sa sketchy report ng Antipolo City Police, kinilala ang hostage taker na si Victor Ervito, 30-anyos.
Nakilala naman ang mga hinostage nito sa mga pangalang Leandro, 27 at Jenalyn, 20 na pawang inaalam pa ang mga apelyido.
Ayon sa paunang impormasyon na natanggap ni SPO1 Errol Era, naganap ang pangho-hostage sa mismong bahay ng suspek sa Sitio Maagay sa kahabaan ng Marcos Highway, Brgy. San Luis malapit sa isang vulcanizing shop ng nasabing lungsod dakong alas-3:15 ng hapon.
Napag-alaman na bago naganap ang pangyayari, may kung ilang araw na umanong nakikitang halos magdamag na nag-iinom ang suspek matapos itong layasan ng kanyang misis.
Lumilitaw pa sa imbestigasyon na ang dalawang hostage at si Ervito ay nakitang magkakasama sa labas ng bahay ng suspek.
Pumasok umano ang mga ito sa bahay kung saan ay di na pinalabas ng suspek ang dalawa na tuluyan nitong hinostage.
Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy naman ang isinasagawang negosasyon ng Antipolo City Police sa pangunguna ng hepe nito na si P/Sr. Supt. Jose Dayco para makumbinse ang suspek na palayain ang dalawang hostage. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest