Kinidnap na Koreano pinalaya na
July 3, 2002 | 12:00am
Tuluyang pinalaya na kahapon ang kinidnap na negosyanteng Koreano ng grupong Abu Sofia kidnap-for-ransom gang kapalit ng hinihiling na amnestiya sa gobyerno.
Si Jae Keon Yoon ay may 146-araw na bihag ng isang paksyon ng Pentagon kidnap-for-ransom gang ay opisyal na ibinigay ng naturang grupo kay Palimbang Mayor Labualas Mamansual at tropa ng 6th Infantry Division ng Philippine Army bandang alas-8:10 ng umaga sa Brgy. Malisbong, Palimbang mula sa bulubunbukin ng Brgy. Lumitan, Palimbang, Sultan Kudarat.
Sa pahayag ni Major General (ret.) Melchor Rosales, tumatayong tagapagsalita ng ASG crisis manegement group na hindi pa niya sigurado ang hinihinging amnestiya ng grupo.
Pinag-aaralan pa ang sirkumstansya dahil sa heinous crime ang kasong kidnapping habang sa mga rebelde lamang ipinagkakaloob ang amnestiya.
Sinalubong naman si Jae nina incoming PNP Chief Director General Hermogenes Ebdane, P/Sr. Supt. Cesar Daquil, Saranggani PNP provincial director; P/Sr. Supt. Bartolome Baluyot, Central Mindanao PNP director at Col. Agustin Dema-ala, Task Force Gensan chief.
Ang pagpapalaya kay Jae ay sa tulong din ni Mayor Mamansual at pakikipagnegosasyon ni Presidential Adviser on Mindanao Affairs Sec. Jess Dureza.
Magugunita na si Jae kasama si Carlos Belonio ay kinidnap ng naturang grupo noong Pebrero 6 sa hangganan ng Palimbang at Maitum, Saranggani.
Noong Marso 29, 2002 ay pinalaya si Belonio, may-ari ng hotel dahil sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Mamansual. (Ulat nina Boyet Jubelag/Danilo Garcia at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am