MILF kumander, 35 tauhan sumuko
July 2, 2002 | 12:00am
MIDSAYAP, North Cotabato Isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at tatlumput limang tauhan nito ang sumuko sa Armys 38th Infantry Battalion na nakabase sa Salunayan sa bayang ito noong Hunyo 30, 2002.
Base sa ulat ni Army Major Romeo Ayson, kinilala ang MILF kumander na si Bobby Pananggalan, alyas Kumander Bob ng 4th Battalion, 3rd Brigade ng Bangsa Moro Islamic Armed Forces.
Isinuko ng mga rebelde ang kanilang mga armas na anim na Garand rifles, 3 carbine rifles, M14 rifle, 2 maikling baril, 5 shotguns, 2 M79 grenade launchers at 3 granada.
Ayon sa ulat ng militar na ang naganap na pagsuko ng mga rebeldeng MILF ay ikalawa na sa pagkakataong ito sa loob lamang ng isang linggo.
Magugunita na noong Miyerkules, Hunyo 26, 2002 ay sumuko si MILF Kumander Abdullah Dimasangcay, alyas Kumander Papa kasama ang kanyang labing-anim na tauhan sa tropa ng 401th Infantry Brigade sa Camp Ranao, Marawi City bago sinundan ni Kumander Bob. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest