Ito ang inihayag ni Comelec Chairman Benjamin Abalos, Sr. matapos ang command conference ng mga matataas na opisyal ng pulisya at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo.
Naglaan naman si Comelec Chairman Abalos ng halagang P10 milyon para sa PNP at AFP bilang allowance sa pagbabantay sa mga nabanggit na hotspot upang tiyakin ang kaayusan ng halalan.
Kaugnay nito, nakatakda namang mag-deploy ng sanlibong karagdagang puwersa ang militar sa mga ikinokonsiderang hotspot partikular na sa Camarines Sur, Camarines Norte sa Bicol Region, Sorsogon at Masbate.
Kabilang din sa padadalhan ng puwersa ng militar ay ang Mindoro patungong Bataan dahil sa nakaambang pananabotahe ng mga rebeldeng New People Army (NPA). (Ulat ni Joy Cantos)