Aide ni Sabaya timbog
June 12, 2002 | 12:00am
SIRAWAI, Zamboanga Del Norte Nadakip ng tropa ng militar ang pinagkakatiwalaang tauhan ni Aldam Tilao, alyas Abu Sabaya ng grupong Abu Sayyaf sa isinagawang operasyon kahapon sa bulubundukin at magubat na lugar sa Sirawai, Zamboanga Del Norte.
Si Baser Ordoñez ay hindi na nakapalag pa matapos na mahulog sa dragnet operation ng Joint Task Force Comet na pinamumunuan ni Major Gen. Glicerio Sua.
Gayunman, nagawang makatakas ng iba pa nitong kasamahan makaraang matunugan ang presensiya nang tumutugis na puwersa ng militar.
Kasalukuyan sumasailalim sa masusing interogasyon ni Ordoñez na pinalalagay na maraming ikakantang impormasyon sa ikinikilos ng kanyang kinasasapiang grupo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 13 hours ago
By Cristina Timbang | 13 hours ago
By Tony Sandoval | 13 hours ago
Recommended