Commander ng MILF Lost Command, 2 pa todas sa militar
June 8, 2002 | 12:00am
Tatlong pinaghihinalaang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Lost Command kabilang ang isang commander ang napatay sa magkakahiwalay na sagupaan sa tropa ng Phil. Army sa North Cotabato at Lanao del Sur.
Kinilala ang nasawing si MILF Lost Command official na si Dakulaman Duka Midtimbang alyas Commander Big Boy habang inaalam pa ang pangalan ng isang nasawing miyembro nito.
Naitala ang sagupaan dakong alas-5 ng umaga sa liblib na bahagi ng Brgy. Bulan, Pikit, North Cotabato.
Napag-alaman na nagsasagawa ng patrulya ang mga elemento ng Philippine Armys 38th Infantry Battalion nang masabat ang hindi madeterminang bilang ng mga bandidong Muslim sa nasabing lugar.
Halos 30 minuto ang itinagal ng bakbakan na nagresulta sa pagkamatay ni Midtimbang at miyembro nito.
Samantala, isa pang di nakilalang miyembro ng MILF Lost Command ang napatay sa pakikipaglaban sa mga elemento ng Philippine Armys 67th Infantry Battalion (IB) nang magsagupa dakong alas-5:48 ng umaga sa Lower Pinantao, Kapatagan, Lanao del Sur na tumagal ng halos 45 minuto.
Nagsiatras lang ang mga bandido matapos masawi ang isa sa kanilang mga kasamahan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended