Opisyal ng BIR timbog sa entrapment
June 7, 2002 | 12:00am
CALAPAN CITY, Oriental Mindoro Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isang entrapment kamakailan.
Ayon kay Atty. Mario B. Minor, NBI chief ng lungsod na ito, humingi sa kanila ng tulong ang biktimang si Lerma L. Capio dahil sa umanoy hinihinging suhol ng suspek na si Oliver Caingat, 40, Collection Officer ng BIR.
Ayon kay Capio, humihingi sa kanya ang suspek ng halagang P 3,000 para umano pambigay sa kanyang hepe at upang bumaba ang babayarang capital gain tax nito.
Para umano matigil na ang ginagawa ng suspek sa tanggapan ay hiningan nito ng tulong ang NBI na gumawa ng isang entrapment operation.
Kaya naman sa pagtanggap ng suspek ng marked money sa kanyang tanggapan ay agad itong inaresto ng mga NBI.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong robbery/extortion at paglabag sa anti-graft and corrupt practices. (Ulat ni Edith G. Plata)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest