Jailbreak: 4 preso pumuga
June 5, 2002 | 12:00am
CALAUAG, Quezon Apat na preso na may mabibigat na kaso ang pumuga sa municipal jail sa pamamagitan sa pagsira ng kisame ng isang tanggapan sa gusali ng munisipyo kamakalawa ng madaling-araw.
Sa ulat na isinumite kay P/Chief Insp. Macario Absalon, hepe ng pulisya na ang mga tumakas ay sina Edzel Barguitos, may kasong robbery, Allan Adorna, sa kasong illegal drugs, Felix de Leon, illegal possesion of firearms at Amado Patriarca sa kasong robbery.
Sinabi ni Absalon na ang pagkakadiskubre ng jailbreak ay nang mag-ulat sa kanyang tanggapan si Edizon Peras, utility worker ng munisipyo na sinira ng hindi nakilalang tao ang kisame ng 2nd floor ng assessors office at sinira rin ang limang piraso ng jalousie glass window na pinaniniwalaang dito dumaan ang mga preso.
Natuklasan nila ang nasabing pagtakas nang magsagawa ng spot inspection ang jail management dakong alas-2:35 ng madaling-araw.
Kasabay nito, inalarma na ang ibat ibang police station para muling madakip ang mga tumakas. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest