^

Probinsiya

Ex-mayor itinumba ng NPA rebels

-
GOA, Camarines Sur – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dating mayor ng naturang bayan at drayber nito, samantala, malubhang nasugatan naman ang kanyang bodyguard ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang lulan ng sasakyan sa harap ng eskuwelahan may 50 metro lamang ang layo mula sa bahay ng alkalde sa Brgy. Poblacion sa bayang ito kahapon ng umaga.

Tadtad ng bala ng baril ang katawan nina dating mayor Leoncio Gan, 64, may asawa at drayber nitong si Catalino Polilio, 45, may asawa, samantala, nasa kritikal na kondisyon ang bodyguard na si Tyron Sta. Maria na pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Dalawang beses nang tinambangan si dating Mayor Gan simula noong 1980 at 1990 ngunit nakaligtas naman.

Base sa ulat ng pulisya, kalalabas pa lamang ng mga biktima sa bahay ng dating mayor lulan ng sasakyan nang harangin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa harap ng Goa Central School.

Kaagad na niratrat ang sasakyan ng mga biktima dakong alas-7:40 ng umaga at napuruhan ang drayber na si Polilio at tinamaan naman si Sta. Maria sa iba’t ibang parte ng katawan ngunit mabilis naman nakalabas si dating Mayor Gan at tumakbo patungo sa kanilang bahay.

Ayon pa sa mga nakasaksi, hinabol ng mga rebeldeng NPA si Gan na tumakbo patungo sa kanilang bahay at mismong sa harap ng bahay ay binistay ng bala ng baril hanggang sa mapatay.

May teorya ang mga awtoridad na may kinalaman ang krimen sa pagsuporta na masugpo ang masasamang gawain ng mga rebelde noong kasalukuyan pang mayor ang biktima. (Ulat nina Ed Casulla at Joy Cantos)

CAMARINES SUR

CATALINO POLILIO

ED CASULLA

GOA CENTRAL SCHOOL

JOY CANTOS

LEONCIO GAN

MAYOR GAN

NEW PEOPLE

TYRON STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with