Bangka lumubog, lola lunod
May 26, 2002 | 12:00am
TABACO CITY, Albay Isang 77-anyos na lola ang nasawi matapos na ito ay malunod nang lumubog ang kanilang sinasakyang bangkang de kumpit sa karagatan ng San Miguel Island at pier ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.
Ang biktima ay nakilalang si Vicente Polinares, biyuda at residente ng Brgy. Bagumbayan ng lungsod na ito.
Sa ulat ng pulisya, alas-3:10 ng hapon ng umalis ang bangkang de kumpit sa pier patunggong Brgy. Sagurong ng San Miguel Island.
Ilang minuto lang nakaalis sa pier ang bangka nang ito ay hampasin ng isang malakas na alon na naging dahilan para ang bangka ay tumaob.
Karamihan sa mga pasahero ay agad na nakakapit sa bangka at posible na ang biktima ay nakabitaw at sa sobrang katandaan ay hindi na nito kayang lumangoy. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest