^

Probinsiya

11 suspek sa Gino Padilla murder, sinampahan na ng kaso

-
CABANATUAN CITY Pormal nang sinampahan ng kasong kidnapping with double murder, at arson ang labing-isang kalalakihan na suspek sa Gino Padilla case na naganap noong gabi ng Marso 8, 2002, sa Brgy. Bibiclat, Cuyapo, Nueva Ecija.

Nabatid kay P/Sr. Supt. Raul Bacalzo, Nueva Ecija Police provincial director, sinampahan na ang mga suspek sa pagkakakidnap at pagkakapatay kay Rodolfo ‘‘Gino’’ Padilla, pagkakapatay sa bodyguard nitong si Sixto ‘‘Martin’’ De Gracia at pagkakasunog sa bahay ni Padilla ng nabanggit na petsa.

Kinilala ni Bacalzo ang mga sinampahan ng kaso na sina Crispin at Wilson Cariño, kapwa ng Nagmisahan, Cuyapo; Juan Dagdag, Ely Ramos at Allan Gamboa, pawang mga nakatira sa Butao, Cuyapo; Gil Cariño ng Capil St., Navy Settlement, Concepcion, Tarlac; Ruben Jose ng Lennec, Guimba; Reynaldo Enriquez ng San Fernando, La Union; Felimon Roque ng Cabatuan, Isabela; Junior Aquino ng Bayombong, Nueva Vizcaya at isang John Doe.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek na Cariño ay pawang mga kamag-anak ni Mrs. Cariño, ina ng badboy ng pelikulang Pilipino na si Robin Padilla. Si Robin ay half brother ng nasawing si Rodolfo Padilla.

Nabatid pa sa imbestigasyon ng pulisya na away sa lupa umano ang motibo nang naganap na insidente. (Christian Ryan Sta. Ana)

ALLAN GAMBOA

CAPIL ST.

CHRISTIAN RYAN STA

CUYAPO

DE GRACIA

ELY RAMOS

FELIMON ROQUE

GIL CARI

GINO PADILLA

JOHN DOE

JUAN DAGDAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with