Houseboy dedo sa kuryente

STA. ROSA, Nueva Ecija – Isang 22-anyos na houseboy ang kumpirmadong nasawi makaraang matapakan nito ang nalagot na linya ng kuryente habang naglalakad papauwi mula sa tindahan sa Barangay Zamora sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Sunog ang katawan ng biktimang si Ruben Laman, Jr. na isang helper sa bahay ni Mrs. Socorro Macatantan sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ni P/Supt. Eduardo Soriano, hepe ng pulisya, naganap ang pangyayari bandang alas-6:30 ng gabi na kasalukuyang umuulan habang ang biktima ay papauwi mula sa tindahan ni Teresita Libunao.

Dahil sa may kadiliman ay hindi nito napuna ang nalagot na linya ng kuryente sa poste kaya natapakan hanggang sa mangisay ang biktima. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments