^

Probinsiya

Payumo umaksyon vs shabu sa Subic

-
SUBIC BAY FREEPORT – Hiniling kahapon ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Felicito Payumo kay PNP-Chief Director Gen. Leandro Mendoza na magsagawa ng isang "full-dressed investigation" sa umano’y mistulang "Gestapo" na pagsalakay ng mga tauhan ni Narcom Chief Gen. Efren Fernandez sa dalawang magkahiwalay na warehouse dito at sa umano’y paglabag ng mga ito sa human rights violations.

Sa ipinalabas na press-statement, sinabi ni Payumo na dapat umanong tanggapin ng Nargroup ang kanilang pagkakamali sa isinagawang malakihang operasyon na nauwi lamang sa isang negatibong resulta sa paghayag ng isang iresponsable at walang-katotohanang pag-uulat ng Narcom na ang Subic Bay Freeport ay isang "dropping zone" ng mga ilegal na droga.

"Isa lamang sa pagpapatunay na ang ganitong uri ng impormasyon ay isang malaking kasiraan sa magandang imahe ng SBMA maging ng PNP sa pagkakalap nila ng maling impormasyon," dagdag pa ng opisyal.

Nakatakdang sampahan ng demanda ng pamunuan ng Everich Transshipment Intl., sa Olongapo City Regional Trial Court laban sa mga tauhan ni Gen. Fernandez na nagsagawa ng isang palpak na pagsalakay sa bodega noong Huwebes.

Ayon naman kay Virginia Abella, operations chief ng Everich Transshipment, umaabot sa P300,000 piso ang nawawala kada araw sa kanilang operasyon bunga nang isinagawang pagsalakay ng Nargroup.

Maging ang mga mamamahayag dito na kumokober sa Freeport ay nadismaya sa ulat ng Narcom na may 100 at 2,000 kilo umano ng shabu ang kanilang nakumpiska na anila’y isang maling impormasyon. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

CHAIRMAN FELICITO PAYUMO

CHIEF DIRECTOR GEN

EFREN FERNANDEZ

EVERICH TRANSSHIPMENT

EVERICH TRANSSHIPMENT INTL

ISANG

JEFF TOMBADO

LEANDRO MENDOZA

NARCOM

NARCOM CHIEF GEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with