Plantasyon ng kape sinalanta ng El Niño
May 14, 2002 | 12:00am
MALOLOS, Bulacan Umaabot na sa sangdaan porsiyento ng plantasyon ng kape sa tatlong bayan sa Bulacan ang sinalanta na ng El Niño phenomenon, ayon sa ulat ng provincial agriculturist.
Sinabi ni Francisco Antonio, hepe ng Crop Development Division ng Provincial Aagricultures Office na ang mga bulaklak ng puno ng kape sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, Norzagaray at San Miguel ay unti-unting nanunuyo dahil sa matinding init.
Subalit sa pahayag naman ni Cristina Geronimo, information officer ng PAO na kahit na ang mga bulaklak ng kape ay nanunuyo lalo na ang mga nasa stage ng pagbubunga ay makakarekober pa rin kapag nabigyan ng sapat na tubig.
Ayon naman sa mga may-ari ng kapihan sa nabanggit na bayan na imposibleng makarating ang tubig sa pamamagitan ng irrigation system dahil karamihan ng plantasyon ng kape ay matatagpuan sa bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad, Norzagaray at San Miguel.
Sa kasalukuyan ay aabot sa 246,741 bilang ng puno ng kape ang hindi na mapapakinabangan dahil sa nararanasang matinding init ng panahon. (Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am