Bigong bank hold-up: 4 suspek todas sa engkuwentro
May 11, 2002 | 12:00am
MEYCAUAYAN, Bulacan Apat na holdaper ang nasawi nang makipagbarilan sa mga awtoridad matapos ang tangkang panghoholdap sa isang bangko kahapon ng hapon sa Brgy.Perez ng bayang ito.
Tatlo sa apat na suspek ay nakilala pamamagitan ng kanilang mga IDs na sina Elmer Cayetano,30; Noel Libantino, 38; Arnold Sour at isang hindi pa nakikilalang lalaki.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya,dakong alas-2:30 ng hapon nang pasukin ng mga suspek ang 25th Century Bank na matatagpuan sa loob ng Sto.Niño Subdivision ng nasabing barangay.
Nagduda ang manager ng bangko sa kakaibang kilos ng mga suspek na umano ay may gagawing masama.
Lihim na tumawag ang nasabing manager sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya na agad namang kumilos at nagresponde.
Nakatunog din umano ang mga suspek sa kanilang gagawing panghoholdap kaya nagpasiya ang mga ito na lisanin na lang ang bangko.
Subalit sa kanilang paglabas ng bangko ay siya namang pagdating ng mga awtoridad sa pangunguna ng 305th Provincial Mobile Force, CIDG, Bulacan Provincial Investigation Branch (BPIB).
Sa halip na sumuko ang mga suspek ay mabilis itong nagsitakas sakay ng Toyota Revo (XAJ-213).
Nagkaroon ng maikling habulan at dito ay nagpaputok umano ang mga suspek,kayat napilitang gumanti ang mga awtoridad.
Natadtad ang bala ang sasakyan ng mga suspek na agad ikinasawi ng mga ito.
Ang mga suspek ay kabilang umano sa grupong Sabater Gang na umano ay nagsasagawa ng panghoholdap ng mga bangko sa nasabing lalawigan at Metro Manila.
Nakumpiska sa mga suspek ang hand grenade ,38 revolver, shot gun, 357 magnum at isang pistol na baril.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest