^

Probinsiya

300 CPLA sumanib sa militar

-
KAMPO MELCHOR DELA CRUZ, Isabela Sumanib na sa tropa ng militar ang may 300 miyembro ng Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) upang labanan ang tumataas na bilang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Bugnay, Tinglayan at Kalinga sa naturang lalawigan.

Dahil sa nilagdaang Administrative Order No. 18 ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Sept. 2001 ay nagpasyang sumanib ang mga tauhan ni CPLA Chieftain James Sawatang sa tropa ng militar na nakabase sa Kampo Melchor dela Cruz sakay ng pitong army truck.

Malugod naman tinanggap ng militar kasama si Mayor Mailed Molina ang nagsisanib na miyembro ng CPLA na sasailalim sa masusing pagsasanay bago isabak sa mga rebeldeng NPA.

Samantala, ibinaon na sa limot ang hidwaan ng tribo ng Bituagan at Butbut sa isyu ng lupaing nasasakupan ng dalawang magkalabang tribo upang labanan ang mga rebelde. (Ulat ni Joe Dasig, Jr.)

ADMINISTRATIVE ORDER NO

BITUAGAN

CHIEFTAIN JAMES SAWATANG

CORDILLERA PEOPLE

JOE DASIG

KAMPO MELCHOR

LIBERATION ARMY

MAYOR MAILED MOLINA

NEW PEOPLE

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with