2 gumulpi sa brgy.chairman, todas sa pulis

LLANERA, Nueva Ecija – Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang nanggulpi sa isang brgy. chairman ang iniulat na nasawi matapos na makipagbarilan sa nag-iisang kagawad ang pulisya sa Barangay A. Mabini sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Carding Manzano, 25 at Villamor Lapitan, Jr., 27, na kapwa residente ng nabanggit na barangay, samantala, ang nakapatay sa dalawa ay nakilalang si SPO1 Nestor Trajano.

Sa pagsisiyasat, humingi ng saklolo si Cinando San Juan, isang brgy. tanod kay Trajano upang magresponde sa ginawang panggugulpi ng dalawa kay Brgy. Chairman Ernesto Labutong ngunit sinalubong ng sunud-sunod na putok ang pulis kaya napilitang gumanti naman ng putok na ikinasawi nina Manzano at Lapitan. (Ulat ni Christian Ryan Sta.Ana)

Show comments