^

Probinsiya

13 suspek sa pagpatay sa 3 pulis, nasakote

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Labintatlo sa dalawampung kalalakihang responsable sa pagpatay sa tatlong pulis at traffic enforcer noong Abril 13 ang napaulat na nalambat ng mga operatiba ng Bulacan PNP, Central Police District Office (CPDO) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila kamakalawa.

Ang mga nadakip na suspek na pawang miyembro ng "Ilongo-Waray Abuyog Gang"ay nakilalang sina Claudio Sacro, Noel Ortiz, Elizalde Tidoy, Carlos Walo, Jimmy Espina, Nicolas Gonzaga, Marciano Vanzuela, Jesus Mentes, Armando de Hino, Aladin Malinao, Elizalde Laylay, Ronaldo Montalbo at Eliseo Barres na aktibong miyembro ng Phil. Army.

Sa pahayag ni P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, Bulacan PNP provincial director, narekober sa mga suspek ang dalawang motorsiklo, 2 kotse, pitong maikling baril, iba’t ibang uri ng communications at ilang shabu paraphernalia.

Magugunitang matapos na looban ng mga suspek ang jewelry shop ay niratrat naman sina P/Sr. Insp. Jose Valdez, SPO2 Zosimo Jocson, SPO1 Emmanuel Arce at Fortunato Culianan, isang traffic enforcer habang nasa loob ng community precinct sa Meycauayan Bulacan noong Abril 13 bandang ala-1 ng hapon.

Kasalukuyan naman nagpapatuloy ang isinasagawang dragnet operation laban sa natitira pang suspek, samantala, pormal naman sinampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip na killer.(Ulat ni Efren Alcantara)

ABRIL

ALADIN MALINAO

BULACAN

CARLOS WALO

CENTRAL POLICE DISTRICT OFFICE

CLAUDIO SACRO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EDGARDO ACU

EFREN ALCANTARA

ELISEO BARRES

ELIZALDE LAYLAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with