Sundalo, 2 pa tiklo sa drug bust

TANDAG, Surigao Del Sur – Isang sundalo na nakatalaga sa 28th Infantry Battalion ng Phil. Army, kasama pa ang dalawang lalaki mula sa prominenteng pamilya ang dinakip ng pulisya sa isinagawang drug bust sa Quintos Subdivision, Brgy. Mabua sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Amil B. Bakil ang mga suspek na sina Pfc. Rodnel Artisano, George Boniao at Michael Serra na naaktuhang nagsa-shabu session sa bahay ni Arnulfo Pontevedra.

Dahil sa ipinalabas na warrant of arrest ni Municipal Trial Court Judge Jesusa G. Perez, sinalakay ng mga tauhan ni Bakil ang dalawang palapag na gusali na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng shabu pushers na nasa watchlist ng NarcGroup. (Ulat ni Ben Serrano)

Show comments