Kalansay ng Chinese trader nahukay
May 1, 2002 | 12:00am
LOBO, Batangas Natagpuan na ng pinagsanib na puwersa ng National Anti-Kidnapping Task Force at pulisya, ang kalansay ng isang Tsino trader na dinukot ng grupo ng kidnap-for-ransom gang noong Enero 7, 2002 makaraang ituro nang nadakip na driver ng biktima ang pinaglibingan ng bangkay sa bayang ito kahapon.
Ang kalansay ni Chan Lin Loy, alyas Johnny Chan, 37, may asawa at may-ari ng SJC General Merchandise ng Brgy. E, Poblacion, Rosario, Batangas.
Samantala, pansamantalang hindi muna ibinunyag ang pangalan ng driver ng biktima na kinasabwat sa krimen habang nagsasagawa ng dragnet operation ang mga awtoridad laban sa iba pang kasapi ng kidnap-for-ransom gang.
Sa impormasyong nakalap, bandang ala-una ng hapon ay positibong itinuro ng driver ang lugar na pinaglibingan sa biktima sa Lobo, Batangas.
Ayon pa sa ulat, ipinagbigay-alam ng kasambahay ni Chan sa pulisya na nagbabakasyon lamang ang biktima sa Maynila ngunit nagbigay na pala ng halagang P15 milyon ransom sa mga kidnappers hanggang sa magsagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad kaya natukoy ang pangyayari. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest