Obrero ng fishing company tiklo sa granada

CAMP FERMIN LIRA, General Santos City — Isang trabahador ng malaking fishing company ang napaulat na dinakip ng mga awtoridad makaraang makumpiskahan ng granada sa kanyang bag ng mga alertong security guard habang papasok ng RD Fishing Industry sa Barangay Calumpang sa lungsod na ito kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala kay P/Sr. Supt. Bartolome Baluyot, Central Mindanao PNP director, kinilala ang suspek na si Marlon Doña ng Brgy. Sasa, Davao City.

May teorya ang pulisya na may masamang balak ang suspek na pasabugin ang nabanggit na kompanya. (Ulat ni Boyet Jubelag)

Show comments