Pentagon nangidnap uli; anak ng trader,1 pa ang dinale
April 28, 2002 | 12:00am
CAMP AMANDO DUMLAO, Sultan Kudarat Muli na naman bumanat ang grupo ng Pentagon kidnap-for-ransom gang makaraang dukutin ang isang anak ng milyonaryong negosyante at kaibigan nito noong Abril 23 ng hapon habang patungo sa Davao City.
Kinilala ni P/Supt. Abubakar Mangelen, Sultan Kudarat PNP director, ang dalawang kinidnap na biktima na sina Noel Bernardo, 35, ng Tacurong City at Tong Allado, kaibigan ni Bernardo.
Ayon kay Mangelen, si Bernardo ay asawa ng banker/contractor at anak ng may-ari ng Palm oil plantation.
Bayaw ni Bernardo si Tacurong City Vice Mayor Junald Lagon, samantala, si Allado ay pansamantalang bineberipika ang pagkatao.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagpaalam si Bernardo sa kanyang pamilya noong Abril 23 ng hapon kasama ang kaibigang si Allado na pupunta ng Davao City lulan ng kanyang Isuzu pick-up.
Subalit sa kasalukuyan ay hindi pa bumabalik hanggang sa matagpuan ang sasakyan ng mga biktima sa gilid ng kalsada sa bayan ng Dalican, Maguindanao na pinagpupugaran ng grupo ng Pentagon kidnap-for-ransom gang.
Kaagad naman ipinarating ni Barangay Chairman Sinsuat Pendatun noong Miyerkules, Abril 24 ang pangyayari kay Armys Lt. Col. Edcel Soriano ng Task Force Kutawato, ang ulat na natagpuan ang ginamit na pick-up ni Bernardo.
May palagay ang mga awtoridad na hinarang ng Pentagon ang sasakyan ng mga biktima saka dinukot at iniwan ang sasakyan sa nabanggit na lugar.
Habang isinusulat ang balitang ito ay ayaw munang makipag-ugnayan ang pamilya ni Bernardo sa mga awtoridad sa hindi maipaliwanag na dahilan. (Ulat ni Boyet Jubelag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended