Ang dalawang nasawing biktima ay nakilalang sina Anongos Ongat, 35 at Ogasing Chai-ay, 35, samantala, ang grabeng nasugatan ay si Carmen Ongat na pawang katutubo ng tribong Bubut.
Napag-alaman sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naganap ang sagupaan bandang alas-9 ng umaga habang naglalakad ang mga biktima patungo sa Brgy. Bugnay, Tinglayan.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong ng mga biktima ang mga katutubo mula sa tribong Betwagan na pinaniniwalaang mortal na kalaban ng tribong Bubut.
Kaagad na pinaulanan ng bala ng baril ang mga biktima saka mabilis na nagsitakas ang mga hindi pa nakikilalang katutubo sa kanilang teritoryong kagubatan. (Joy Cantos)