^

Probinsiya

Pumugang preso patay sa pakikipagbarilan sa pulis

-
MANDAON, Masbate – Isa sa mga nanloob sa bahay ng doktor na pinaniniwalaang pumuga mula sa Masbate City Jail ang napatay ng mga kagawad ng pulisya matapos na makipagbarilan sa Barangay Bat-Ongan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang napatay na presong may kasong homicide na si Yolly Magallanes, 34, ng Brgy. Poblacion, Mandaon, Masbate. Samantala, ang iba pang kasama ni Magallanes na mabilis na nakatakas matapos isagawa ang pagnanakaw sa bahay ni Doctor Percival Bartolata ay pinaniniwalaan ding mga takas na bilanggo sa naturang kulungan.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, naganap ang pagnanakaw dakong alas-7:30 ng gabi habang naghahapunan ang doktor kasama ang kanyang kasambahay sa kanilang bahay.

Makaraan ang pandurugas sa pamilya Bartolata ay nagsilabasan na ang mga suspek kabilang na si Magallanes ngunit tiyempo namang dumaraan ang ilang kagawad ng Mandaon PNP na kasalukuyang nagpapatrolya kaya naganap ang barilan.

Nagpulasan ang mga magnanakaw dahil sa naubusan ng bala ng baril habang nakipagpalitan naman ng putok sa mga pulis hanggang sa bumulagta si Magallanes. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY BAT-ONGAN

BARTOLATA

BRGY

DOCTOR PERCIVAL BARTOLATA

ED CASULLA

MAGALLANES

MANDAON

MASBATE

MASBATE CITY JAIL

YOLLY MAGALLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with