2 Taiwanese tiklo sa shabu

MARILAO, Bulacan – Dalawang Taiwanese na pinaniniwalaang miyembro ng kilabot na Hong Kong Triad Connection ang iniulat na nadakip ng mga ahente ng National Anti-Drug Task Force (NADTF) sa pakikipagtulungan ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Marilao, Bulacan noong Lunes.

Sina Chua Che Ket, alyas Jose Cruz Chua at Chua O Huan, alyas Ver Roberto Chua ay dinakip matapos na maaktuhang nag-aabot ng isang kilong shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may mga miyembro rin ang dalawang Taiwanese na nagpapakalat ng shabu sa Northern Luzon at Metro Manila.

Kasunod nito, nadakip din ng mga awtoridad si Guillermo Villanueva sa isinagawang buy bust operation noong Linggo sa San Antonio, Los Baños, Laguna matapos na makumpiskahan ng aabot sa 400 gramo ng shabu. (Ulat nina Doris Franche at Efren Alcantara)

Show comments