Mag-utol hinalay ng adik

LIBON, Albay – Isang magkapatid na babae ang napagtripang halayin ng hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang lango sa droga habang ang mga biktima ay magkatabing natutulog sa kanilang bahay sa Brgy. Bulusan sa bayang ito kamakalawa ng madaling-araw.

Ang mga biktima na itinago sa pangalang Malou, 24, may-asawa at Anna, 14, samantala, ang suspek na hindi nakilala dahil sa walang ilaw ay mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, pinasok ng rapist ang bahay ng mag-utol dakong alas-3 ng madaling-araw bago isinagawa ang maitim na balak na magkasunod.

HIndi na nakuhang makapalag ng mga biktima dahil sa tinutukan sila ng patalim, gayunman ay ipinagbigay alam ni Malou ang pangyayari sa asawa bago ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments