Negosyante dedo sa holdaper
April 9, 2002 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Dalawang tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang negosyante, samantala, nasa malubhang kalagayan naman ang asawat bayaw nito matapos na pagbabarilin ng mga holdaper sa compound ng kanilang bahay sa Barangay San Isidro sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Binawian ng buhay sa Medical City Hospital ang biktimang si Jimmy Sarmiento, 45, samantala, ang asawang si Editha, 38 at bayaw nitong si Mario Lico Jr., 27, binata na pawang residente ng #80 Sto. Niño St. ng nabanggit na barangay ay nagtamo ng tama sa leeg at likurang bahagi ng katawan.
Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Jose Dayco, hepe ng Antipolo PNP station, naganap ang krimen bandang alas-8 ng gabi sa harap ng compound ng bahay ng mga biktima.
Papasok sana si Editha na may dalang bag na naglalaman ng halagang P.3 milyon mula sa kinita ng bigas at bayaw na si Mario sa compound nang harangin ng tatlong holdaper sakay ng motorsiklong walang plaka.
Kaagad na binaril sa leeg si Mario at inagaw naman ang bag ni Editha ngunit nakipaglaban ito kaya binaril din sa likod.
Gayunman, namataan ni Jimmy ang pangyayari kaya aktong sasaklolohan nito ang asawa subalit sinalubong naman siya ng dalawang putok ng baril sa dibdib na ikinasawi ng biktima bago nagsitakas ang mga holdaper. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest