^

Probinsiya

Pusher todas sa pakikipagbarilan sa pulis

-
TAMPAKAN, South Cotabato – Isang kilabot na drug pusher na may dalang aabot sa dalawampu’t limang kilong pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P2 milyon ang napatay, samantala, isa pang kasama nito ang nadakip makaraang makipagbarilan sa mga kagawad ng pulisya sa Barangay Polo 19 sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Si Junero Lasib na may apat pang kasamahan ay naispatan ng isang opisyal ng barangay na si Alexander Felisilda na nagdidiskarga ng apat na sako na naglalaman ng marijuana sa isang lugar sa General Santos City bandang alas-5 ng hapon.

Ayon kay South Cotabato PNP provincial director P/Sr. Supt. Romeo Rufino, kaagad na ipinagbigay alam ni Felisilda sa pulisya ang modus operandi ng mga suspek.

Mabilis namang nagresponde ang pulisya ngunit natunugan ni Lasib ang isasagawang drug bust kaya naunang nagpatupok ng baril saka gumanti naman ang pulisya.

Ayon pa sa ulat, hindi na nakuhang lumaban ng mga kasamahan ni Lasib at nagsitakas subalit isa sa mga suspek na si John Sabino ay nasakote matapos na mahulog sa matarik na bangin at mabalian ng buto sa paa. (Ulat ni Boyet Jubelag)

vuukle comment

ALEXANDER FELISILDA

AYON

BARANGAY POLO

BOYET JUBELAG

GENERAL SANTOS CITY

JOHN SABINO

LASIB

ROMEO RUFINO

SI JUNERO LASIB

SOUTH COTABATO

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with