2 katao nag-suicide

IMUS, Cavite — Araw ng Biyernes Santo nang kalawitin ni kamatayan ang sikat na artistang si Rico Yan na naging katulad din ng dalawa katao na nag-suicide naman sa magkahiwalay na barangay sa bayan ng Imus, Cavite.

Ang dalawang biktima ay nakilalang sina Lolita Delos Santos, 44, may asawa, isang nurse ng Bliss site, Zone 1, Brgy. Alapan 1 ng nabanggit na barangay at Ray-An Landas, 19, binata, trike driver ng 328 Brgy. Tanzang Luma 3 sa bayang ito.

Batay sa ulat ng pulisya, si Delos Santos ay nagbaril sa loob ng kanyang kuwarto dakong alas-6 ng hapon dahil sa hindi makayanang personal na problema.

Samantala, si Landas naman ay nagbigti sa sariling bahay bandang alas-9 ng umaga dahil sa hiniwalayan ng kanyang nobya.

Narekober ang suicide note ni Landas na nagsasabing hindi nito makayanan ang paghihiwalay nila ng kasintahan kaya nagpasyang mag-suicide. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments