^

Probinsiya

2 katao todas sa b-day party

-
GENERAL TRIAS, Cavite – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawa katao kabilang na ang birthday celebrant ng kapatid ng isa sa biktima sa Brgy. Buenavista 2 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang nasawi ay sina Antero Lumbre, 46, may asawa, isang coordinator ng ADC ready mix cement at Bienvenido Taglinao, 27, jobless at kapwa residente ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na tumakas ay nakilalang si Virgilio De Villa na kapatid ni Taglinao sa ina at residente rin ng naturang lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Roberto Lansaga, naganap ang krimen bandang alas-11:30 ng umaga habang nasa kasayahan ang dalawa kasama ang mga bisita at kaibigan dahil sa birthday ni Lumbre.

Habang nasa kasarapan ng inuman ng alak sina Lumbre at Taglinao, kasama ang mga kaibigan ay dumating ang suspek na may dalang armalite.

At sa pag-aakala ni Lumbre na babatiin siya ay sinalubong nito ang suspek ngunit sinigawan siya na lumayo at hinarap si Taglinao.

Dito na niratrat ng suspek ang biktima at nadamay lamang si Lumbre sa naganap na krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

ANTERO LUMBRE

BIENVENIDO TAGLINAO

BRGY

BUENAVISTA

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

LUMBRE

ROBERTO LANSAGA

TAGLINAO

VIRGILIO DE VILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with