13 anyos nakatakas sa Pentagon kidnappers
March 24, 2002 | 12:00am
COTABATO CITY Lakas-loob na tumakas mula sa safehouse ng Pentagon kidnap-for-ransom gang ang isang 13-anyos na batang lalaki na dinukot noong Biyernes ng gabi habang ang biktima ay papasok ng kanilang bahay sa naturang lungsod.
Kinilala ni P/Sr. Supt. Sangacala Dampac, Cotabato PNP provincial director ang biktima na si Vincent Bahilidan, anak ng mayamang trader sa nabanggit na lungsod.
Ayon kay Dampac, dalawang oras pa lamang dinukot ng Pentagon ang biktima saka dinala sa safehouse nang magpasyang basagin nito ang salaming bintana bago tumalon at kumaripas ng takbo papalayo.
Napag-alaman na ang safehouse ng mga kidnaper na responsable rin sa pag-kidnap kay Rosemarie Agustin ay matatagpuan sa residential area ng Salimbao sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.
Si Bahilidan na isang estudyante sa Cotabato City Laboratory High School ay inabangan ng mga kidnaper sa kalsada malapit sa kanilang bahay habang naglalakad papauwi.
Makaraan ang isinagawang pagtakas ay kaagad naman sumakay ng tricycle ang bata saka nagpahatid sa kanilang bahay at ipinagbigay-alam sa mga magulang ang pangyayari bago tuluyang dumulog sa himpilan ng pulisya.
Mabilis naman nagresponde at sinalakay ang nabanggit na safehouse ng mga kidnaper ngunit walang nadakip dahil sa pinalalagay na natunugan ang ginawang pagtakas ng biktima kaya nagsitakas na lamang ang grupo. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest