2 drug pushers todas sa buy-bust operation
March 21, 2002 | 12:00am
GENERAL SANTOS CITY Dalawang lalaki na pinaniniwalaang kilabot na drug pushers ang napaulat na nasawi makaraang makipagbarilan sa pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Uhaw sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.
Ang dalawang nasawing drug pushers ay nakilalang sina Danilo Nuñez, alyas Bobby at Alvin Launia na kapwa residente ng Block 5, Fatima Village, ng nabanggit na barangay.
Sa ulat ni P/Sr. Supt. Bartolome Baluyot, Central Mindanao PNP director, si Nuñez ay anak ni Dadiangas East Brgy. Captain Ricardo Nuñez at pamangkin ni dating Mayor Rosalita Nuñez.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni P/Insp. Douglas Farola ng 12th Regional Anti-Narcotics Office na ang dalawa ay nagtutulak ng droga sa naturang lugar kaya tiniktikan nila ang mga suspek.
Nagpanggap ang isang pulis na poseur- buyer sa mga suspek at sa aktong iniaabot na ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500 ay kaagad na poposasan sana ngunit nagbunot kaagad ng baril ang isa sa mga suspek.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya, bandang alas-5:30 ng hapon nang nakipagbarilan ang mga suspek sa mga tauhan ni Farola at tinamaan naman sa leeg si SPO1 Felix Daligdig na ngayon ay inoobserbahan sa General Santos Doctors Hospital.
Makaraang mapawi ang makapal na usok ay nakabulagta na ang dalawa na nakumpiskahan ng kalibre .22 magnum at granada na tangka sanang ihagis ni Launia sa mga tauhan ni Farola ngunit tinamaan ng bala ng baril na ikinasawi nito. (Ulat ni Boyet Jubelag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest