^

Probinsiya

SULYAP BALITA

-
Mag-asawa dedo, 2 anak grabe sa granada
CAMP CRAME – Isang mag-asawa ang kumpirmadong nasawi, samantala, dalawa nitong anak ay malubhang nasugatan makaraang sumabog ang inihagis na granada ng hindi nakilalang lalaki habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Langon, Tungawan, Zamboanga Sibugay kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Ibrahim Pangalan at asawang si Nerigen, samantala, dalawang anak na grabeng nasugatan dahil sa tama ng sharpnel ay sina Laika at Dayang ng nabanggit na barangay.

Inaalam pa ng pulisya ang dahilan kung bakit hinagisan ng granada ang bahay ng pamilya Pangalan na naganap dakong alas-12:30 ng hatinggabi. (Ulat ni Doris Franche)
Barangay kagawad itinumba ng NPA
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay kagawad ng tatlong rebeldeng kasapi ng New People’s Army (NPA) sa harap ng kanyang asawa’t anak sa sariling bahay sa Brgy. Paya, Mogpog, Marinduque.

Ang biktima na nagtamo ng limang tama ng bala ng baril ay nakilalang si Celso M. Limbo, 44, samantala, ang tatlong rebelde na pawang miyembro ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) ng Soliman ay mabilis na nagsitakas sa hindi mabatid na direksyon.

Base sa ulat ng Marinduque PNP, ipinatupad ni Reynaldo Lacerna, alyas Ka Raymond ang desisyon ng kangaroo court na patawan ng kamatayan ang biktima dahil sa pagiging asset ng militar at nagre-recruit ng mga kabataan para sumapi sa CAFGU. (Ulat ni Ed Amoroso)
Utol ng trader kinatay ng mag-ama
TIGAON, Camarines Sur – Hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Medical Center ang isang 48-anyos na utol ng trader makaraang katayin ng mag-ama habang nakaupo sa harap ng tindahan sa Brgy. Talojongon sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Si Edgar Martillano, may asawa at residente ng Rapu-Rapu, Albay ay pinagtulungang tagain ng jungle bolo nina Juan Paga, Sr. at anak na si Juan, Jr. bandang alas-10:30 ng gabi sa tindahan ng kanyang kapatid na si Mila Martillano.

Ayon sa ulat ng pulisya, dahil sa namuong matagal na alitan kaya naganap ang krimen at kaagad namang sumuko ang amang suspek, samantala, ang anak nitong si Juan Jr. ay kasalakuyang tinutugis ng pulisya. (Ulat ni Ed Casulla)
Binata pinatay ng mag-utol sa selos
STA. ROSA, Nueva Ecija – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 36-anyos na lalaki makaraang pagtulungang gulpihin at itakin ng mag-utol habang jumi-jingle sa likod-bahay sa Brgy. Isla ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Parang kinatay na baboy ang biktimang si Narciso dela Cruz, binata ng nabanggit na barangay, samantala, ang mga suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang sina Florencio at Rey Dayao kapitbahay ni Dela Cruz.

May palagay ang mga imbestigador na pinagselosan ng isa sa dalawang suspek ang biktima dahil sa nililigawan nito ang babaeng balak ding ligawan ni Rey kaya pinatahimik na lamang dakong alas-7 ng umaga. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Trike driver tinodas ng 5 senglot
LUCENA CITY – Napagtripang gulpihin at saksakin hanggang sa mapatay ang isang trike driver ng limang lango sa alak na naging kainuman ng biktima sa Purok Masagana, Landing Road, Brgy. Ibabang Iyam sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni SPO3 Fernando Reyes III ang biktima na si Noel Jabola, 46, may asawa at residente ng Niles St., Pleasantville Subd. ng nabanggit na barangay.

Isa sa mga suspek na si Efren Datinggino, 35, ay mabilis namang nadakip, samantala, tinutugis naman sina Mario Panganiban, Baruteng Taga, Barra Villapando na kapwa residente ng Curba, Brgy. Ibabang Iyam at Ramil Pundan ng Brgy. VIII dahil sa naganap na krimen dakong alas-7 ng gabi. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BARRA VILLAPANDO

BARUTENG TAGA

BICOL MEDICAL CENTER

BRGY

CAMARINES SUR

CENTER

IBABANG IYAM

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with