8 preso na pupuga sa provincial jail, nalambat8 preso na pupuga sa provincial jail, nalambat
March 12, 2002 | 12:00am
MALOLOS, Bulacan Walong preso mula sa maximum security Bulacan Provincial Jail na tangkang pumuga sa pamamagitan nang paglagare ng rehas na bakal ang iniulat na nasakote ng mga alertong guwardiya kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Severino Calayag, Bulacan BJMP officer-in-charge ang mga nasakoteng preso na sina Cirilo dela Cruz, Ronald Malagay, Edmund Fernando, Gilbert Chico, Domingo Reyes, Ignacio Ponio, Jimmy Ray Aguilus at Alvin Arnaldo na pawang may may mga kasong murder.
Ayon kay Calayag, sina Dela Cruz, Malagay, Fernando at Chico ay sangkot sa pagpatay kay dating Mayor Honorato Galvez ng San Ildefonso, Bulacan noong gabi ng Hulyo 20, 2000.
Nabatid sa ulat na isinumite kay Bulacan Gov. Josie dela Cruz, naganap ang tangkang pagpuga dakong ala-1:45 ng madaling-araw makaraang lagariin ang dalawang rehas na bakal saka pinagkabit-kabit ang kumot.
Inakyat ng walong preso ang ikatlong palapag mula sa ikalawa upang doon isagawa ang pagpuga ngunit namataan ng alertong guwardiyang si PG1 Ronaldo Sta. Ana kaya inalerto nito ang mga kasamahang guwardiya.
Mabilis namang nadakip ang walong preso at narekober ang dalawang talim na lagareng bakal na pinaniniwalaang ginamit sa naunsiyameng pagpuga. (Ulat ni Efren Alcantara) MALOLOS, Bulacan Walong preso mula sa maximum security Bulacan Provincial Jail na tangkang pumuga sa pamamagitan nang paglagare ng rehas na bakal ang iniulat na nasakote ng mga alertong guwardiya kahapon ng madaling-araw.

Mabilis namang nadakip ang walong preso at narekober ang dalawang talim na lagareng bakal na pinaniniwalaang ginamit sa naunsiyameng pagpuga. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended