^

Probinsiya

4 na alkalde ng Abra inalis sa hit list ng NPA rebels

-
BAGUIO CITY – Apat sa limang alkalde mula sa lalawigan ng Abra na naunang napaulat na itutumba ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kumpirmadong inalis na sa listahan bilang target at isa na lamang ang nakaambang nikidahin anumang araw.

Sa nilagdaang statement ni Diego Wadangan na may petsang Marso 5, 2002, lumalabas na si Bucloc, Abra Mayor Mailed Molina ang kanilang target na itumba dahil sa kasalanang ginawa nito sa kanilang kilusan at taumbayan.

Si Wadangan na kasapi sa Abra-based Agustin Begnalen Command ng NPA rebels ay pinaniniwalaan din na responsable sa pagpatay kay ex-priest Conrado Balweg noong Dec. 31, 1999.

Mula sa kangaroo court (peoples court), napatunayang nagkasala si Mayor Molina ng kasong treason laban sa kilusan kabilang na ang pagpatay sa mga sibilyan, red-fighters at land-grabbing.

Gayunman, inalis sa listahan ng liquidation squad ng NPA sina San Isidro Mayor Elizalde Pacsa, La Paz Mayor Mark Ysrael Bernos, Lagayan Mayor Cecille Luna at San Juna Mayor Miguel Taverner na unang iniulat na itutumba. (Ulat ni Artemio Dumlao)

ABRA

ABRA MAYOR MAILED MOLINA

AGUSTIN BEGNALEN COMMAND

ARTEMIO DUMLAO

CONRADO BALWEG

DIEGO WADANGAN

LA PAZ MAYOR MARK YSRAEL BERNOS

LAGAYAN MAYOR CECILLE LUNA

MAYOR MOLINA

NEW PEOPLE

SAN ISIDRO MAYOR ELIZALDE PACSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with