PNP headquarters inatake: 2 pulis, 2 rebelde napatay
March 1, 2002 | 12:00am
Sinalakay ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang headquarters ng pulisya sa Samar na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang pulis, dalawang rebelde habang isa pang pulis ang grabeng nasugatan sa madugong pag-atake kahapon ng umaga sa Motiong, Western Samar.
Sina SPO3 Jaime Roldan at PO3 Domingo Matados ay kapwa dead-on-the-spot matapos bistayin ng bala ng umatakeng grupo ng mga rebelde.
Ang nasugatang pulis ay nakilalang si SPO3 Casimiro Pictuan. Samantala sa dalawang nasawing rebelde, isa lang ang narekober ng nagrespondeng tropa ng pulisya matapos na tangayin sa pagtakas ng mga rebelde ang isa sa nasawi nilang kasamahan.
Batay sa ulat na tinanggap kahapon ng Camp Crame, pasado alas-5 ng umaga nang maganap ang sorpresang pag-atake ng mga rebelde sa Motiong PNP Headquarters sa nasabing lalawigan.
Natiyempuhan na kokonti pa ang bantay na pulis ng nasabing istasyon nang umatake ang mga rebelde pero sa kabila nitoy sinikap ng pulisya na magdepensa laban sa paglusob ng mga rebelde.
Hinalughog ng mga rebelde ang nasabing himpilan matapos ang sunud-sunod na pagpapaputok saka tinangay ang 15 malalakas na baril.
Nagsagawa pa umano ng house to house search ang grupo ng mga rebelde sa nasabing lugar bago tuluyang nagsitakas sa takot na maabutan ng reinforcement troops ng pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended